Ginulintang ng Administrasyong Aquino at ng DepEd ang samabayanan pilipino dahil sa kabigla-biglang programa na kanilang inilibas, ang k+12.
Ang k+12 ay naglalayong solusyunan ang matagal ng problema sa edukasyon sa bansa.Base sa programa magiging mandatory ang kindergarten magkakaroon ng anim na taon sa elementarya(Grade 1 haggang grade 6) apat na taon naman sa junior high school (Grade 7 hanggang 10) at dalawang taon na sa senior high school (11 hanggang 12). Inihayag pa ng Department of Educatiaon (DepEd) Bacon District head Leon Gaon na ipatutupad na ngayong taon ang bagong kuriulum ng DepEd mula sa grade 1 hanggang grade 7 o unang taon sa hayskul.
Subalit hindi ito dapat ikalungkot ng mga magulang at mag-aaral sapagkat kung titingnan sa positibong perspektibo,mas mapapataas pa ng programang K+12 ang antas ng kalidad ng mga mag-aaral at ng basic education sa bansa.Isa din sa magandang adhikain ng programa ang matugunan ang suliranin sa mataas na bilang ng mga bumibitiw sa kalagitnaan ng pag-aaral na karaniwang kawalan ng kaalaman at kawalan na rin ng interes na nagiging dahilan ng kamangmangan.Binigyang diin din ang disenyo ng programa ang interes ng mga mag aaral at makakapamili sila mula sa kanilang elective subject ayon sa interes nila kung saan sa pagkatapos ng hayskul ay maari na nilang magamit ng kanilang kaalaman upang makahanap ng mapagkakakitaan kung sakaling hindi na sila makakapagpatuloy pa ng pag-aaral sa kolehiyo.Napaka ganda ng adhikain ng k+12 kaya bago tayo magreklamo alamin muna natin ang magandang maidudulot dahil kung puro reklamo lang ang paiiralin wala tayong mararating.
Ngunit kung tayo ay matutulungan mas mapapadali ang pag asenso.Ang PAGTUTULUNGAN ang pinaka mabisang susi.Kaylangan lang ng pagtutulungan sa pamilya,pagtutulungan sa pamilya at tulungan din natin ang ating sarili upang tayong umunlad at guminhawa.Dahil ng araw tayo din ang maapektohan at tayo din ang makikinabang.