Rodolfo Vera Quizon Sr. (Dolphy) isang bituin na nag nining sa iba’t ibang larangan at lalo sa industriya ng showbiz. HINDI kataka-taka na may usap-usapan ngayon na sana ay binigyan ng National Artist award ang ating Comedy King na si Dolphy.
Sa aking palagay, hindi lamang ito dahil sa siya ay pumananaw na, kundi ang pag alala sa mga inambag niyang ngiti,saya at ligaya sa mga manunuod.Napaka daming katangian ni dolphy na matuturing National artist, katulad ng mahusay ang timing at magaling ang pick-up o pagsabat sa mga pagkakataong nangangailangan ng spontaneous na reaksyon.At makikita nating bihira ang mga taong may ganitong kakayahan.At Natural ang kanyang pagpapatawa, walang tinatapakan tao para sumikat at siguradong tumatatak sa isapan ng mga manunuod sa telebisyon at pinilakang tabing ang husay sa arte.
Sa kanyang role bilang talunan na padre de pamilya sa John En Marsha, si Dolphy ay ganap na naging kinatawan ng mga Pilipinong nagsusumikap na makaahon sa kahirapan ngunit sadyang wari ay mailap sa kanila ang kapalaran. Hindi aksidente na tumagal ang palabas na ito nang mahabang panahon. Maraming bata na kinalakihan ang programang ito na nagsasalamin ng pang-araw-araw na buhay ng isang pamilyang Pilipino. Namalas dito ang mga pagsubok at hirap na dinaranas ng isang pamilyang kapus-kapos, ngunit nananatiling masaya sa kabila ng pandudusta na inaabot ni John sa kanyang biyenan. Si John ay larawan ng mga matiising Pinoy na hindi iniinda ang pagmamaliit ng mga mayayaman at makapangyarihan. Bagkus, ginagawa itong biro, at iyon marahil ang dahilan kung bakit nakakaya niya ang palagiang payo at panunuya ng kanyang mapagmataas na biyenan: “Kaya John, magsumikap ka...”
Maaring may mga tumututol sa pagiging National Artist ni dolphy dahil siya ay komedyante at di seryosong aktor. Ngunit sa ganang atin, ang husay ng isang artista ay hindi nasusukat ng kanyang genre o uri ng papel na ginagampanan. Kung saan siya magaling, komedya man o drama, doon siya dapat sukatin.
Sa kahuli-hulihan, kung ang ating sukatan naman ay pambansang kagalingan, sa ganang atin ay malaking kontribusyon ang patawanin ang isang bansa sa kabila ng pagkakalugmok nito sa dusa at luha.
Sa pagsasarado ng kurtina ng buhay ng isang talentadong pidol siya ay may yaman at aral na iniwan sa atin.
Sa pagsasarado ng kurtina ng buhay ng isang talentadong pidol siya ay may yaman at aral na iniwan sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento